Kawikaan 3:5-6
Magtiwala ka nang buong puso sa PANGINOON at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. Alalahanin mo ang PANGINOON sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.
Ang pagtitiwala sa Diyos sa lahat ng ating mga ginagawa sa buhay ay walang kabawasan sa ating pagkatao, bagkus ito ay higit na makabubuti para sa atin. Sapagkat kung tayo’y magtitiwala sakanya ng buong puso, tayo ay magkakaroon ng katagumpayan sapagkat sya ang magtutuwid sa ating mga landas sa buhay, minsan marami mang negatibo ang nangyayari sa buhay natin ito ay mga parte lamang ng proseso, at sa dulo makakamtan natin ang masaganang pagpapala ng Diyos para sa’atin sapat ang ating Diyos sa atin at siya ay tapat sa kanyang mga pangako. Kayat ano mang nangyayari sa ating paligid sa mga panahong ito, wag tayong manghinawa sa paggawa ng mabuti para sa ating Diyos ngunit tayo nawa’y magkaroon pa ng mas malaking pagtitiwala sakanya at sya ang magpapala sating mga buhay.

 

This Website Is Made Possible By Your Prayers And Generous Financial Support

                                                                          

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial

Share This

Share this post with your friends!